KAYA?
May 24, 2008Nakita mo noon kung paano ako umibig sa kanya
At nakita ko rin kung paano mo mahalin ang iba
Naroon ka noong mga panahong ako’y nasasaktan dahil sa pambabalewala niya
At naroon din naman ako nung ika’y gulung gulo na sa kanila
Sinabi mo sa akin noon na tama na
Na kailangan ko nang tapusin ang anumang nararamdaman ko sa kanya
At sinabi ko na rin sa iyo na sobra na
Ang mga pagpapakatanga mong ginawa para sa iba
Pero ngayon…
Makita mo rin kaya ang mga damdaming nakikita ko sa iyo?
Mananatili ka pa rin bang nariyan kung malalaman mo?
Sasabihin mo rin kaya sa akin ang mga katagang sasabihin ko sa iyo?
o baka naman…
Ako lamang ang makakita
Ako lamang ang manatili
At ako lamang ang magsabi
dahil
sa iba mo pa rin nakikita
sa iba mo pa rin nais manatili
at sa iba mo pa rin nais magsabi
12:30AM
29/08/06
Bakit? Paano?
Eto na naman ako, humahabi ng mga salitang
inaalay sa isang taong walang kamalay malay
Sabi kasing walang pinipiling oras o panahon
ang isang damdaming umuusbong sa puso ng lahat ng tao
sabi kasing hindi naman kailanagn na magpaliwanag pa sa iba
na hindi na nila kailangn pang malaman ang mga bakit at paano
subalit, sa mga panahong gaya nito,
nararamdaman kong dapat maiparating ko
sa kanlyang walang kamalay malay ang mga bakit at paano
Nais kong malaman ng walang malay na ito
na hindi ko siya balak gamitin lamang
Hindi para lamang pagtakpan ang sinasabi nilang "AKING" nararamdaman
Wala talaga silang nalalaman
Sapagkat akin namang nararamdaman na hindi ko talaga siya sasaktan
Nais ko ring iparating na kung anuman ang aking damdamin
hindi ito humihiling na sana’y ito maramdaman niya rin
At para sa iyo na walang malay
Nais ko lamang na iyong malaman
na masaya ako kapag masaya ka
walang bakit…
walang paano…
basta ganon…
TAPOS.
12:55AM
29/08/06


