paghabol
May 14, 2008makakahabol ka pa kaya kung
ako’y matagal nang nauna sa’yo?
- kaya nga hinihiling ko na sana’y bagalan mo
dahil alam kong kahit lumipad ako mahihirapan akong
hanapin ang daang tinahak mo
ngunit paano kung sa aking pagbagal aking maisip na tumigil
at huwag nang tumuloy pa?
- akin din sanang ipakikiusap na kung sana’y tumigil ka man
ay iyong matutunang maghintay dahil sa aking pagdating sa iyong kinaroroonan
sinisiguro ko sa iyo na sasabayan na kita
ngunit matagal na akong naghihintay
- ….darating ako, pangako.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


